^

Bansa

Project Noah, Pinoy scientists giit pondohan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

Paghahanda sa sakuna, kalamidad…

MANILA, Philippines — Hinihimok ni Senador Bam Aquino ang pamahalaan na muling pondohan ang Project NOAH (Nationwide Operational Assessment of Hazards) at pagsuporta sa mga world-class Filipino scientists at mga eksperto mula sa Pilipinas sa gitna na rin ng sakunang dala ng lindol at matinding pagbaha.

Binigyang-diin ng senador, na Chairman ng Se­nate Committee on Science and Technology at Vice Chair ng Senate Finance Committee, na kailangang itigil ang pagsasayang ng bilyun-bilyong piso sa mga hindi epektibong proyekto sa flood control.

Iginiit ni Aquino na dapat nakabatay sa teknolohiya at siyensya, integrated at makabago ang paraan para protektahan ang buhay, kabuhayan at ari-arian sa banta ng pagbabago ng klima o climate change.

“Gamitin natin ang ­ating mga world-class na siyentistang Pilipino at iba pang eksperto sa pag-iwas sa pagbaha. Marami silang maiaambag sa pagresolba ng problemang ito,” pahayag ni Aquino.

Dapat aniyang iwasan ang mga karaniwan at hindi epektibong proyekto sa imprastraktura at mamuhunan sa mga programang napatunayan na, tulad ng nasimulang inis­yatiba ng Project NOAH.

Ang Project NOAH ay isang programa sa disaster risk reduction and management na nakatuon sa flood modeling at early warning systems. Pero itinigil ito ng nakaraang administrasyon sa kabila ng mga pinuri nitong tagumpay.

Idiniin ni Aquino na maiiwasan ang tuluy-tuloy na banta ng pagbaha, pinsala at rehabilitasyon kung mga eksperto at Filipino scientist ang babalangkas ng mga programa para sa paghahanda sa sakuna at kalamidad.

Ang apela ni Aquino ay  kaugnay ng mga nagdaang kalamidad, partikular ang lindol at matinding pagbaha na tumama sa rehiyon ng Visayas dahil sa Bagyong Tino at ang banta ng Bagyong Uwan sa Hilaga at Gitnang Luzon.

NOAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with