^

Bansa

Higit 300 death toll, missing kay Tino – NDRRMC

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot na sa mahigit 300 katao ang death toll at missing sa pamiminsala ng bagyong Tino partikular na sa Visayas Region.

Sa press briefing ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Sabado, pumalo na sa 204 katao ang opisyal na bilang ng mga nasawi na kinabibilangan ng 141 sa Cebu; 27 sa Negros Occidental, 20 sa Negros Oriental; anim sa Agusan del Sur, tatlo sa Capiz, dalawa sa Southern Leyte at tig-isa sa Antique, Iloilo, Guimaras, Bohol at Leyte.

Sa situation report, sinabi ni NDRRMC Executive Director Undersecretary Harold Cabreros, na nasa 109 katao ang nawawala at patuloy na pinaghahanap.

Ang bagyong Tino ay walong beses nag-landfall o tumama sa kalupaan noong Martes kung saan matinding nasalanta ang Visayas Region at naapektuhan din ang ilang bahagi ng Mindanao.

NDRRMC

REGION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with