Dolomite probe sisimulan na ng Kamara

MANILA, Philippines — Sisimulan na ng House Committee on Public Accounts ang imbestigayon sa Manila Bay Dolomite Beach sa Nobyembre 17.
Sinabi ni Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon na aalamin sa imbestigasyon kung talaga bang kailangan ang proyekto alinsunod sa Manila Bay Sustainable Development Master Plan gayundin ang mandamus ruling ng Korte Suprema sa Manila Bay rehabilitation.
“The House public accounts committee will begin proceedings on the Manila Bay Dolomite Beach Project in the week of November 17, 2025,” ayon kay Ridon.
Susuriin din ng panel kung may katotohanan ang nag-viral sa social media sa paninisi ng ilang mga opisyal ng lokal na pamahalaan na ang dolomite beach project ang sanhi ng malawakang pagbaha sa lungsod ng Maynila.
“The hearing will also examine the project’s flooding impact on adjacent Ermita–Malate areas, including the status of the Faura, Remedios, and Estero de San Antonio Abad drainage outfalls and any effects arising from the project’s engineering specifications,” ani Ridon.
Sisilipin din ng komite ang mga alternatibong pamamaraan o solusyon para paigtingin pa ang cleanup, rehabilitation at pagpepreserba sa Manila Bay. Gayundin kung paano mapapataas ang kalidad ng tubig dito para maging akma sa swimming, skin-diving at iba pang uri ng libangan na pawang mga espesipikong rekisitos sa ilalim ng mandamus ng Korte Suprema.
- Latest




















