Zaldy Co binalaan ng Ombudsman
MANILA, Philippines — Nagbabala ang Office of the Ombudsman (OMB) laban kay dating congressman Zaldy Co na ang pagtanggi nitong maghain ng counter-affidavit ay awtomatikong nagwa-waive o nagtatanggal sa karapatan nitong maghain ng ebidensya sa maanomalyang flood control projects.
Sinabi ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na batid ng OMB na wala sa bansa si Co at palagi itong nagpapalipat-lipat ng lokasyon doon.
Ayon kay Clavano, isisilbi pa rin nila ang subpoena sa huling address o tirahan ni Co bilang bahagi ng tamang proseso ng batas.
“We have to try. That’s the spirit of the law” ani Clavano na iginiit pang kailangan lamang ng tiyaga sa paghahain ng subpoena.
Si Co ay founder ng Sunwest Realty and Development Corporation (SRDC) na nahaharap sa mga kaso kaugnay ng flood control scam.
Kabilang sa kasong kinasangkutan ni Co ay ang kontrata ng Sunwest Realty sa DPWH Region IV B na dawit ito sa kuwestiyonableng P289.5 milyong flood control projects sa Naujan, Oriental Mindoro noong 2024.
Sa pag-iinspeksiyon ni DPWH Secretary Vince Dizon at Oriental Mindoro Gov. Humerlito Dolor noong Setyembre 9, nabatid na substandard ang ginamit na stell sheet piles at hindi rin ito nakatugon sa sukat na haba bunsod upang bumigay ang proyekto.
- Latest


















