^

Bansa

2 milyon dumagsa sa mga sementeryo sa Metro Manila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
2 milyon dumagsa sa mga sementeryo sa Metro Manila
Nagsilbing tanglaw ng puntod ang mga kandila na sabay-sabay pinailawan sa isinagawang “Synchronized Lighting of Candles” activity nitong Biyernes sa Libingan ng mga Bayani, Taguig City.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Dumagsa ang nasa 2 milyon katao sa mga sementeryo sa Metro Manila nitong Sabado, Nobyembre 1, sa unang araw ng paggunita ng Undas.

Sa Manila North Ce­metery, ang pinakamala­king public cemetery sa Metro Manila, ay umabot na sa halos 1.5 milyon ang bumisita pagsapit pa lamang ng alas-5:00 ng hapon ng Sabado, batay sa pahayag ni MNC Director Dandan Tan, na inaasahang ­dadagsain pa sa susunod na mga araw.

Nasa 120,000 ­naman ang nagtungo sa ­Manila South Cemetery na ­inaasahang tataas pa ang bilang hanggang sa pagsasara sa alas-9 ng gabi, ayon sa Manila Police District.

Bukod pa rito ang hindi naitalang bilang na dumalaw naman sa katabi ng MNC na Manila Chinese Cemetery at Paco Ce­metery sa Maynila.

Kabilang din sa dinagsa ng libu-libong bumisita ang La Loma Cemetery sa Caloocan City.

Sa Marikina City, umabot sa 11,000 ang nagtungo sa Loyola Memorial Park nito lang Oct. 31.

Libu-libo pa ang naitala sa Manila Memorial park sa Sucat, Parañaque;  Libingan ng mga Bayani, Heritage Memorial Park at Manila American cemetery and Memorial, pawang sa Taguig City; Loyola Memorial Park sa Marikina; Himlayang Pilipino sa Quezon City; Holy Cross Memorial Park sa Novaliches; at maraming iba pa.

Samantala, sa ibang mga lalawigan ay nakapagtala rin ng libong mga dumalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay, indikasyon ng pagdagsa ng mga biyaherong paluwas ng lalawigan sa mga nakalipas na araw.

Kakaibang sitwasyon naman ang makikita sa mga libingan sa bahagi ng Bulacan at Pampanga na ang mga puntod ay pinangambahang mawasak ng tuluyan dahil sa matagal na umanong pagkababad sa baha.

Pangamba din na makakuha ng sakit na leptospirosis ang mga dalaw sa sementeryo kung hindi magsusuot ng proteksyon o bota.

Sa video post sa Facebook ng isang broadsheet reporter, hindi niya akalain na bahang-baha ang public cemetery ng Hagonoy, Bulacan kaya wala siyang dalang bota, at nagsuot na lamang ng malaking stripe na plastic sando bag upang makaiwas sa posibleng sakit na makukuha sa baha.

CEMETERY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with