^

Bansa

Autosweep, Easytrip isa na lang — Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Autosweep, Easytrip isa na lang — Pangulong Marcos
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglulunsad ng ‘One RFID, All Tollways,’ na layong pag-isahin na lang ang Easytrip at Autosweep sa lahat ng toll expressways sa Luzon. Kasama rito ng Pangulo sina (mula kaliwa) Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) Chairman Manuel V. Pangilinan, San Miguel Corp. President and CEO Ramon S. Ang at acting Transportation Secretary Giovanni Lopez.
Noel B. Pabalate

MANILA, Philippines — Mas magiging madali na ngayon ang pagbiyahe sa mga expressway sa bansa matapos ilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang “One RFID, All Tollways” sa Calamba City, Laguna, kahapon.

Sinabi ng Pangulo na isang radio frequency­ identification (RFID) sticker na lamang ang kailangan para sa mga toll expressway sa North Luzon Expressway (NLEX), South Luzon Expressway (SLEX), Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) at iba pang expressways sa Luzon.

“Malinaw ang layunin nito, mapabilis ang daloy ng trapiko sa mga toll gate. At malaki ang tulong nito,” anang Pangulo. 

Sinaksihan mismo ni Pangulong Marcos ang online registration process sa Toll Collection System Interoperability Project ng RFID service providers na Autosweep at Easytrip.

Sa ilalim ng bagong programa, maaring mamili ang motorista ng ­autosweep o easytrip para sa gagamiting RFID sa lahat ng tollways.

Maaring magpare­histro ang motorista ng kanilang kasalukuyang RFID accounts o kahit sa online.

Umaasa naman si Pangulong Marcos na dahil sa bagong programa, magiging ma­ginhawa, mas mabilis ang biyahe at hindi na malilito ang mga motorista sa paggamit ng RFID.

RFID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with