‘Fact-Twisting Mission’ ng CPP-NPA-NDF, kinondena
MANILA, Philippines — Mariing kinondena ng mga lokal na opisyal at lider-katutubo sa Tanay, Rizal ang paninira ng International Solidarity Mission (ISM) na inorganisa ng mga grupong kaalyado ng Communist Party of the Philippines–New People’s Army–National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Ayon kay Brgy. Capt. Adrenico N. Zubiaga, walang naganap na pangha-harass, taliwas sa ipinakalat ng naturang grupo sa social media. Aniya, malinaw na panlilinlang ang ginawa ng mga organizer upang palabasing biktima sila ng lokal na pamahalaan.
“Hindi kami nangha-harass. Ang totoo, wala silang tamang papeles. Ang hawak nilang permit ay walang pirma ng Mayor. Tungkulin ko bilang kapitan na tiyakin ang kaligtasan ng barangay,” ani Zubiaga.
Mariin ding nanawagan ang NTF-ELCAC sa publiko at maging sa mga dayuhan na huwag basta-basta maniwala sa mga “fact-twisting missions” na ito. Ipinaalala rin nito ang umiiral na Bureau of Immigration Operations Order SBM-2015-025 na nagbabawal sa mga dayuhang turista na makilahok sa anumang uri ng political activity habang nasa bansa.
- Latest
























