5 dam sa Luzon nagbukas ng gate
MANILA, Philippines — Limang dam sa Luzon ang nagbukas ng gates upang magpalabas ng tubig kahapon, sa gitna na rin ng malalakas na pag-ulan dulot ng bagyong Ramil.
Ayon sa PAGASA, alas-8 ng umaga nang magbukas ng isang gate ang Angat Dam sa Bulacan na nasa 0.5 at nagpalabas ng tubig na nasa 89 cubic meters per second sa turbina at spillway nito.
Ang Reservoir Water Level (RWL) ay nasa 209.08 m bandang alas-8 ng umaga na malapit na sa 210 meter na normal height of water level (NHWL) o spilling level.
Sa Ipo Dam sa Norzagaray, Bulacan at nagbukas rin ng gate alas-8 ng umaga.
Sa Benguet ay kapwa nagpalabas rin ng tubig ang Ambuklao at Binga dams nitong Linggo ng umaga. Habang ang La Mesa dam sa Quezon City; San Roque dam sa Pangasinan at Pantabangan dam sa Nueva Ecija ay patuloy namang mino-monitor ang water level sa reservoirs nito matapos ang malalakas na pag-ulan.
- Latest

























