Ex-ES Ermita pumanaw na
MANILA, Philippines — Sumakabilang buhay na si dating Executive Secretary Eduardo Ermita na mahabang panahong nagserbisyo sa gobyerno, isang sundalo at peacemaker, kahapon sa edad na 90-anyos.
Inanunsyo ito ng kanyang anak na si Balayan, Batangas Mayor Lisa Ermita-Abad sa social media post.
“It is with profound sadness and heavy hearts that we, the Ermita family, announce the passing of our beloved father, General Eduardo Ramos Ermita (Retired), a dedicated public servant and our guiding light. He passed away peacefully today, October 18, 2025, at 8:00 am, surrounded by his loving family,” pahayag ng pamilya Ermita.
Bukod sa Malacañang, nagsilbi rin siyang kinatawan ng Batangas 1st District sa Kamara mula 1992 hanggang 2001 at dati ring Deputy Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Nagsilbi siya bilang Executive Secretary ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo mula 2004 hanggang 2010.
Nagtapos si Ermita sa Philippine Military Academy (PMA) Class 1957 na humawak ng maraming posisyon sa AFP hanggang sa pumasok ito sa pulitika.
- Latest




















