^

Bansa

Magalong, giit ipatawag si Quimbo ng ICI

Pilipino Star Ngayon

Sa P300 milyong MAIP fund

MANILA, Philippines — Iminungkahi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na ipatawag ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) si dating Marikina representative Stella Quimbo upang magpaliwanag kaugnay ng umano’y P300 milyong pondong inilaan sa kanya mula sa Medical Assistance for Indigents Program (MAIP) ng Department of Health (DOH).

Inamin ni Magalong na ikinagulat niya ang isang dokumentong nagpapakita na may malaking halagang inilaan kay Quimbo, dahilan upang kuwestyunin niya ang patas na pamamahagi ng MAIP funds.

“Isa sa mga dapat nilang imbitahan d’yan ay si former Cong. Stella Quimbo. Nagulat ako, I saw a document na sa DOH ‘yung MAIP funds. ‘Di ba dapat laging equitable distribution ‘noh? But surprisingly, meron siyang P300-M na nakuha, na na-allocate sa kanya. Ganon sila ka-powerful,” sabi ni Magalong.

Nang tanungin kung totoo ang naturang dokumento, sinabi ni Magalong na nakita niya ito, ngunit nilinaw na maaari itong beripikahin. Gayunpaman, iginiit niyang hindi ito tumutugma sa prinsipyo ng patas na distribusyon ng badyet.

Nauna nang binanggit ni Navotas Rep. Toby Tiangco si Quimbo bilang isa sa mga miyembro ng maliit na komiteng gumawa ng ilang “insertions” sa pambansang badyet para sa taong 2025.

Ayon pa sa mga ulat, nakapagpagawa si Quimbo ng apat na proyekto sa kanyang distrito sa pamamagitan ng mga kum­panyang pag-aari nina Sarah at Curlee Discaya, ang mga kontratistang sangkot umano sa ilang iregularidad sa badyet.

Patuloy ngayong iniimbestigahan ng ICI ang mga anomalya sa flood control projects ng DPWH. Ilan na ring opisyal at personalidad ang ipinatawag bilang mga resource persons sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Wala pang pahayag si Quimbo tungkol sa mga akusasyon.

BENJAMIN MAGALONG

DOH

ICI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with