Sino ang pinaka-maapektuhan ng 'Big One'?
MANILA, Philippines — Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, karamihan sa mga mamamatay kung tatama ang “The Big One” earthquake ay mula sa mga pamilyang informal settlers.
Paliwanag niya, hindi maayos ang pagkakagawa ng kanilang mga bahay at kadalasang gumagamit ng kerosene o iba pang delikadong gamit sa pagluluto. Dagdag ni Remulla, kailangang i-update ang mga building code sa mga munisipalidad.
Maglulunsad din ang DILG ng infrastructure audit sa Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon kasama ang mga grupo ng engineers at mga paaralan. — Base sa report ni Jean Manggaluz
- Latest





















