^

Bansa

Batas sa libreng internet, giit ipatupad na

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Batas sa libreng internet, giit ipatupad na
Bilang co-author ng Republic Act 10929  o Free Internet Access in Public Places Act, binigyang-diin ni Aquino na ang pagkaantala ng rollout na nagiging hadlang sa pag-angat ng ekonomiya at pagpapataas ng kalidad ng edukasyon ng bansa.
STAR / File

MANILA, Philippines — Mariing iginiit ni Sen. Bam Aquino sa Department of Information and Communications Technology (DICT) ang agarang pagpapatupad ng batas para sa libreng internet access. 

Bilang co-author ng Republic Act 10929  o Free Internet Access in Public Places Act, binigyang-diin ni Aquino na ang pagkaantala ng rollout na nagiging hadlang sa pag-angat ng ekonomiya at pagpapataas ng kalidad ng edukasyon ng bansa.

Layunin ng Senador na matiyak na ang bawat Pilipino, lalo na ang mga estudyante sa pampublikong paaralan ay magkaroon ng “libre, mabilis, at maaasahang internet access.”

Sa datos na ipinakita sa Senado, lumalabas ang malaking agwat ng serbisyo. 2,872 lamang sa 58,121 pampublikong paaralan ang kasalukuyang konektado sa Free Wi-Fi program ng gobyerno.

Ayon kay Aquino, nakapasa na ang batas, at ang kailangan na lang ay malinaw na master plan at sapat na pondo at gawin itong prayoridad para sa mabilis at epektibong implementasyon.

Hamon ni Aquino sa DICT, tiyakin ang sapat na budget para sa pagtatayo at pagpapanatili ng free Wi-Fi sites, lalo na sa mga pampublikong paaralan. 

Nagpahayag naman ng suporta ang mga telecommunications firms na magbibigay ng diskwento sa DepEd para sa connectivity ng mga pampublikong paaralan.

COMMUNICATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with