Libreng kabaong, libing sa mahihirap batas na

MANILA, Philippines — Batas na ang panukalang “Free Funeral Services” matapos mag-“lapse into law” ng walang pirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa ilalim ng Republic Act 12309, o ang “Free Funeral Services Act”, ang mga mahihirap na pamilya sa mga sitwasyon ng krisis, tulad ng mga kalamidad, at iba pang mga emergency ay maaaring maging kuwalipikado para sa programa, ayon sa itinakda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nakasaad sa batas na ang mga libreng serbisyo sa paglilibing ay ibibigay sa mga mahihirap na pamilya sa bawat pagkamatay ng isang miyembro, ng mga accredited institusyon ng libing saan man sa bansa.
Nakasaad din ang mga serbisyo ng libing na ibinibigay sa mga benepisyaryo ay dapat magkapareho.
Para maka-avail ng libreng funeral services, kailangang isumite ng mga pamilya ang mga sumusunod na kinakailangan: Valid ID ng claimant o beneficiary; Sertipiko ng kamatayan na inisyu ng ospital, municipal health office, sertipikasyon mula sa tribal chieftain; kontrata sa libing na pinirmahan ng kinatawan ng pamilya ng namatay, ng mga tauhan ng punerarya, at mga awtorisadong tauhan ng DSWD; at Social case study mula sa isang social worker.
Ang budget para sa libreng funeral services na ito ay sisingilin sa budget ng DSWD.
Kinumpirma ng Palasyo na ang panukalang batas ay naging batas nang walang pirma ni Marcos.
- Latest


















