Demolition job vs Romualdez ibinabala ni Puno
MANILA, Philippines — Nagbabala si Deputy Speaker at Antipolo City 1st District Rep. Ronaldo “Ronnie “Puno sa demolition job na ikinasa laban kay dating Speaker Martin Romualdez bago ang itinakdang pagharap nito sa Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Ayon kay Puno, kuwestiyonable umano ang timing at unfair ang alegasyon laban kay Romualdez.
“I think malungkot ang timing kasi the former Speaker is going to speak before the Independent Commission tomorrow so parang may konting demolition na nangyayari rito,” pahayag ni Puno sa ambush interview.
“There is scapegoating that is going on, nagtuturuan and then people are pointing to other people so that they will be able to escape their responsibility,” ani Puno.
Ginawa ni Puno ang pahayag sa gitna na rin ng ulat na nag-uugnay sa farm-to-market road (FMR) projects sa Leyte na umano’y overprice at paglulustay ng public funds kung saan ang Senate Blue Ribbon Committee ay maaring imbestigahan din ang umano’y anomalya sa ilalim ng Department of Agriculture (DA) at Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sinabi ni Puno na ang kinukuwestiyong proyekto ay hindi naman malaki at maliit lamang ito bukod dito hindi kinakatawan ni Romualdez ang buong Eastern Visayas dahilan sa 1st District lamang ito ng Leyte.
Binigyang diin pa ni Puno na sa nakalipas na pagbusisi ng House Committee on Appropriations sa panukalang pondo ng DA ay nilinaw ni Secretary Francisco Tiu-Laurel na walang ghost projects sa FMR sa Leyte bagaman inamin nito na mayroon sa ibang mga lugar.
- Latest





















