SWS: Problema sa pera, nagpapa-stress sa Pinoy

MANILA, Philippines — Mas maraming Pinoy ngayon ang nakakaranas ng stress at pinaka marami ay dahil sa problema sa pera.
Batay sa latest Social Weather Station (SWS) survey na isinagawa nitong September 24-30, lumabas na nasa 34 percent ng mga Pinoy ang stress, mataas ito sa 27 percent noong December 2019.
Lumabas din sa survey na 32 percent ay minsan lang ma-stress, 30% ang madalang ma-stress at 4% ay hindi raw stress.
Sa mga stress, ang numero unong ugat nito sa nakararaming Pinoy o nasa 53% ay dumadanas ng problema sa pera, ikalawa ay sa kalusugan na 42%; dahil sa trabaho at eskwelahan, 39%, at dahil sa pamilya, 38%.
Sa gender, marami ang mga kababaihang stress o nasa 41% at nasa 27% sa lalaki.
Ang survey ay ginawa sa face to face interview sa 1,500 respondents at may +- 3 margin of error sa national percentage.
- Latest
















