ICC prosecutors pinasusuri si Duterte sa 3 medical experts
MANILA, Philippines — Inirerekomenda ng mga tagausig ng International Criminal Court na suriin ng tatlong eksperto sa forensic psychiatry, neuropsychology, at behavioral neurology ang pagiging angkop ni dating pangulong Rodrigo Duterte na humarap sa paglilitis para sa kanyang mga umano’y krimen laban sa sangkatauhan sa kanyang ipinatupad na madugong giyera laban sa ilegal na droga.
Ang rekomendasyon ng prosecutors ay lumabas sa public redacted na bersyon ng “Prosecution’s Observations on the ‘Registry Submission of a Shortlist of Medical Experts” noong Setyembre 18, 2025.
Ang siyam na pahinang dokumento mula sa opisina ng Prosecutor ay inilabas ng ICC nitong Oktubre 9 at nilagdaan ni Deputy Prosecutor Mame Mandiaye Niang.
“The Prosecution supports the appointment of a multidisciplinary panel of experts for the assessment of Mr Duterte’s fitness to stand trial and suggests that it should consist of at least three experts in the fields of forensic psychiatry, neuropsychology, and behavioural neurology,” nakasaad sa dokumento.
Ayon pa sa Prose-kusyon, tatlong eksperto ang nagpahayag ng kanilang kakayahang magbigay ng kanilang mga serbisyo.
Nakasaad din sa dokumento na kinontra ng Prosekusyon ang isang potensyal na eksperto na iprinisinta ng Depensa dahil ang kanyang appointment ay maaaring maging isyu bilang “potensyal na bias”.
Kasalukuyang nakakulong si Duterte sa Hague Penitentiary Institution o Scheveningen Prison sa mga kaso kaugnay sa giyera laban sa droga ng kanyang administrasyon, na pumatay sa mahigit 6,000 drug suspect sa mga operasyon ng pulisya.
- Latest



















