1987 coup, EDSA Dos malabong maulit – AFP

MANILA, Philippines — Malabo na umanong maulit pa sa kasaysayan ang kudeta noong 1987 maging ang EDSA Dos na nagpatalsik sa dating administrasyon ni Ferdinand Marcos Sr. at dating pangulong Joseph Estrada noong Enero 2001.
Ito ang tiniyak ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., sa gitna na rin ng patuloy na pambubuyo ng mga retiradong heneral na kumalas ng suporta ang militar kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gitna na rin ng nabunyag na talamak na korapsyon sa flood control projects na aabot sa trilyong halaga sa loob ng 3 taon.
Sinasabing karamihan sa mga proyekto kundi man substandard ay mga ghost projects na ibinubulsa lamang umano ng mga tiwaling opisyal ng DPWH, contractor, Senador at ilang mga Kongresista ang pondo.
“The repeat of any military coup or any form of military adventurism is no longer possible under the current structure and culture of the AFP,” saad ni Brawner.
Aminado naman si Brawner na tulad ng mga Pilipino ay dismayado rin ang AFP sa korapsyon sa flood control projects.
Inihayag ni Brawner na natuto na sa kasaysayan ang AFP sa mga nakalipas na aral ng kudeta habang wala naman aniyang namumuong pag-aalboroto sa mga sundalo.
Idinagdag pa ng Chief of Staff na ang mandato ng AFP ay sa Saligang Batas at sa mamamayang Pilipino na kanilang proproteksiyunan. (
- Latest




















