^

Bansa

Kanlaon nagbuga muli ng abo, alert level 2 nananatili

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling nagbuga ng abo ang Kanlaon volcano sa Negros Island kahapon (Oktubre 5) ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa nairekord ng Kanlaon Volcano Observatory ang ash emission na nagsimula pasado alas-8 ng umaga ay namataan sa paligid ng naturang bulkan.

Sa video footage na ibinahagi ng Phivolcs, makikita ang mga greyish plumes o kulay abo na umabot ng 500 metro ang taas mula sa crater o bunganga ng bulkan at dum drifting ng bulkan patungo sa direksiyon ng timog-kanluran.

Patuloy pa ring nananatili sa Alert Level 2 ang sitwasyon sa lugar.

Nitong Sabado, nakapagtala ang Phivolcs ng 65 volcanic earthquakes at 1,638 toneladang sulfur dioxide emission mula sa paligid ng Kanlaon.

Samantalang may mga naitala ring katamtamang ibinugang abo ang bulkan na umabot ng 650 metro ang taas, na napadpad sa kanluran-hilagang kanluran.

Muli namang nagbabala ang Phivolcs sa mga residente at turista na huwag pumasok sa idineklarang 4km radius permanent danger zone habang ipinagbabawal rin ang paglipad ng eroplano malapit sa bulkan.

PHILVOCS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with