^

Bansa

Binata pumitas ng P200,000 sa ScratchIt Go Bananas

Pilipino Star Ngayon
Binata pumitas ng P200,000 sa  ScratchIt Go Bananas
'Kapag may ekstra lang po kayong budget, saka ‘nyo itaya. Mahirap pong magbakasakali,' ani Baltazar.

MANILA, Philippines — Isang binatang nagngangalang Baltazar ang mapalad na naka-jackpot ng P200,000 sa tiket na Go Bananas ng ScratchIt ng Philippine Charity Sweepstakes Office kamakailan.

Naninirahan si Baltazar sa Calamba, City sa Laguna pero ang napanalunan niyang tiket ay nabili niya sa isang lotto outlet ng PCSO sa Tagapo, Sta. Rosa sa naturang lalawigan.

Ayon pa kay Baltazar na isang office staff sa isang pribadong kumpanya, gagamitin niya ang kanyang premyo sa pagbabayad ng utang at pandagdag sa pagpapakasal nila ng kanyang nobya.

Nabatid na tuwing Sabado at Linggo o kapag walang pasok ay bumibili si Baltazar ng tiket ng ScratchIt pero hindi niya inaasahang mapapanalunan niya ang nabili niyang Go Banana tiket sa Tagapo noong Agosto 10, 2025.

Kasabay nito, ibinahagi rin niya ang kanyang paalala sa ibang mga nais sumubok o patuloy na tumataya sa ScratchIt, “Kapag may ekstra lang po kayong budget, saka ‘nyo itaya. Mahirap pong magbakasakali; baka kayo naman ang mawalan ng maipakain sa pamilya.”

Nagpahayag din siya ng pasasalamat sa mga taong nasa likod ng larong ScratchIt. “Continue po ang ganitong business at platform dahil tulad ko, kapag may tiyaga at panalangin sa Diyos, ibibigay ito nang hindi mo inaakala.”

Ang ScratchIt ay isang scratch-card lottery game ng PCSO kung saan puwedeng manalo ng cash prize sa isang kisapmata. Bumili lang ng tiket, kaskasin ang play area at kapag tumugma ang mga simbolo o numero—panalo agad!

Ilan sa mga sikat na bersyon ng ScratchIt ang Go bananas, Red Hot 7s, Ruby Riches, Go for Gold 20, Go for Gold 50 and at Instant Keno. Ang premyo ay maaaring umabot ng P500,000 o P2,000,000 depende sa ticket.

Ang bahagi ng kita mula sa ScratchIt ay napupunta sa mga proyektong pangkawanggawa ng PCSO tulad ng medical assistance, edukasyon at tulong sa mga mahihirap. Layunin nitong tumulong habang nagbibigay-aliw at pagkakataong manalo ang mamamayan.

Mabibili ang mga ScratchIt ticket sa mga awtorisadong outlet ng PCSO sa buong bansa, gaya ng mga mall, supermarket, lotto outlets at ScratchIt stalls. Mula P20 hanggang P50 ang halaga ng bawat tiket.

 


Editor's Note: This press release for PCSO is not covered by Philstar.com's editorial guidelines.


 

PCSO

SCRATCHIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with