Escudero, sinampahan ng ethics complaint

MANILA, Philippines — Inireklamo sa Senate Ethics Committee si Sen. Francis “Chiz” Escudero kaugnay sa P30 milyon campaign donation noong 2022 mula sa government contractor na si Lawrence Lubiano.
Ang ethics complaint ay inihain ni Atty. Marvin Aceron sa tanggapan ni Sen. JV Ejercito, chairman ng Senate Committee on Ethics.
Nakasaad sa reklamo ni Aceron na ang kumpanya ni Lubiano na Centerways Construction and Development Inc. ay dumami ang kontrata matapos na manalo si Escudero noong 2022 elections.
Mayroon din aniyang 112 kontrata na nagkakahalaga ng P16.67 bilyon sa ilalim ng 1st at 2nd district ng Sorsogon mula 2021 hanggang 2025.
Sa reklamo pa ni Aceron na bago ang donasyon ni Lubiano, mayroon lamang itong 12 kontrata na nagkakahalaga ng P720 milyon.
Majority state rin aniya si Lubiano ng Metroways Health Care and Medical System Inc. na isang kumpanya rin na nakakuha ng kontrata sa Bicol.
Ang reklamo ni Aceron ay mayroong anim na grounds kabilang dito ang Conduct unbecoming a member of the Senate; Conflict of interest/improper influence; eletion Law public policy and prohibited sources; Integrity of public procurement at Financial opacity, serial restatements at alter ego doctrine.
Sinisi naman ni Escudero si dating House Speaker Martin Romualdez na aniya ay bahagi ng harassments at scripts para mapagtakpan ang mga isyu laban sa kanya.
- Latest

















