Pangulong Marcos, nanguna sa mabilis na tugon sa Cebu quake

MANILA, Philippines — Dumating si Pres. Bongbong Marcos Jr. sa Bogo City, Cebu upang personal na inspeksyunin ang pinsala ng magnitude 6.9 na lindol at makausap ang mga pamilyang naapektuhan.
Kasama niya ang iba pang miyembro ng gabinete, patunay na determinado ang pamahalaan na maghatid ng agarang tulong at simulan ang mabilisang rehabilitasyon.
Nauna kamakalawa sina Public Works and Highways Sec. Vince Dizon, Tourism Sec. Christina Frasco, at Social Welfare and Development Sec. Rex Gatchalian para pangunahan ang assessment at relief operations at masigurong makarating agad ang ayuda sa mga pinakaapektadong komunidad.
Dumating kahapon kasama ng Pangulo sina Education Sec. Sonny Angara at Energy Sec. Sharon Garin, na lalo pang nagpatibay sa all-hands-on-deck na pagtugon ng gobyerno. Agad umaksyon si DPWH Regional Dir. Danilo Villa Jr., para sa rapid damage assessment, nakipag-ugnayan sa LGUs, at nagmobilisa ng mga heavy equipment para sa clearing.
Naroon din si Andres Tiangco ng Truth & Integrity Network (TIN), na kamakailan ay nag-audit sa mga flood-control projects ng Cebu at nagpatunay na “walang ghost projects,” ulat na lumabas sa national news.
Binigyang-diin ng mga kompanya ang kanilang buong suporta sa pamumuno ni Dir. Danilo Villa Jr., at inaasahang mas marami pang kontraktor ang sasali sa tulong-bayan.
- Latest


















