^

Bansa

BDP-NTF-ELCAC itinuring na ‘blessing’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaasahang mas lalakas pa ang Barangay Development Program (BDP) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) matapos pormal na sumali ang Philippine Council of Evangelical Churches (PCEC) sa Executive Committee (Execom), kalakip ang pangakong buong suporta para sa kapayapaan at kaunlaran.

Inanunsyo ito sa isang press conference sa Malacañang matapos ang ika-8 pagpupulong ng Execom ng NTF-ELCAC, kung saan inilarawan ni PCEC National Director Bishop Noel Pantoja ang pakikipag-ugnayan bilang isang espiritwal na tungkulin at makabayang pananagutan.

Kinakatawan ng PCEC ang 78 evangelical denominations, mahigit 40,000 lokal na simbahan, at 268 misyon at iba pang organisasyong panrelihiyon.

Sa pag-upo nito sa Execom, tiniyak na magiging aktibo ang simbahan sa paghubog at pagmamanman ng mga polisiya at programang tumutugon sa ugat ng insurhensiya.

Mainit namang tinanggap ni NTF-ELCAC Executive Director at Undersecretary Ernesto C. Torres Jr. ang pakikilahok ng PCEC, na tinawag niyang makapangyarihang dagdag sa mga pagsisikap ng Task Force.

Paliwanag niya, nakapaghahatid na ang BDP ng mga konkretong proyekto gaya ng farm-to-market roads, mga gusali ng paaralan, sistema ng tubig, health centers, at elektripikasyon sa mga barangay na malaya na sa impluwensya ng mga rebelde.

BDP

ELCAC

NTF

PCEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with