‘Misteryo’ sa affidavit ni Guteza bahala korte — Lacson

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Senate President Pro Tempore at Blue Ribbon Committee chairman ang Manila Regional Trial Court (RTC) para lutasin ang misteryo sa kontrobersyal na affidavit ni Orly Guteza, ang “surprise witness” sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon.
Ayon kay Lacson, bahagi ng tungkulin ng executive judge ng RTC ang magsiyasat ng mga paglabag kaugnay ng notarized documents sa loob ng kanyang hurisdiksyon.
“The Manila RTC can help unravel the mystery behind the now (in)famous Guteza affidavit since part of the executive judge’s function is to investigate violations relating to notarized documents within its jurisdiction. Was he just made to sign a prepared affidavit that he read during the committee hearing, and by whom?, sa post ni Lacson sa X .
Nauna rito, itinanggi ng abogadong si Petchie Rose Espera, na ang pangalan ay lumitaw sa affidavit ni Guteza, na siya ay nag-notaryo, lumagda, o tumulong sa paghahanda ng dokumento subalit base sa mga ulat, sinabi niyang ang pirma at notarial details na iniuugnay sa kanya ay palsipikado at walang awtorisasyon.
“The executive judge may have to dig deeper into this,” ani Lacson.
Sa pagdinig nitong Huwebes, ipinakilala ni Sen. Rodante Marcoleta si Guteza — na aniya ay ipinakilala sa kanya ni dating congressman Michael Defensor — nang walang paunang abiso, kahit sa chairman ng komite na pumalit sa kanya nitong Setyembre.
Sa paunang interpelasyon kay Guteza, tinanong ni Marcoleta kung ang kanyang sinumpaang salaysay na may lagda at ibang detalye ni Espera “ay pinanotaryo ninyo” at kung “totoo po ba ang notaryong ito.” Na kinumpirma naman ni Guteza.
Sa ilang bahagi naman ng pagdinig, napansin na tila ginagabayan ni Marcoleta si Guteza kung ano ang dapat nitong banggitin mula sa kanyang affidavit.
- Latest

















