Nando magiging super typhoon sa Lunes
MANILA, Philippines — Bahagyang lumakas ang bagyong Nando (International name: Ragasa) habang kumikilos sa may Philippine sea.
Ayon sa PAGASA, namataan si Nando sa layong 1,005 kilometro silangan ng Central Luzon, dala ang lakas ng hanging 75 km per hour (kph) at pagbugso na abot ng 90 kph.
Ngayong Sabado, inaasahang isasailalim sa Wind Signal No. 1 ang ilang lugar sa Northern Luzon na maaaring pumalo sa Wind Signal No. 5.
Maaaring maabot ni Nando ang super typhoon category sa Lunes, September 22.
“Nando will continue to intensify while over the Philippine Sea. It may reach typhoon category tomorrow and super typhoon by Monday before its close approach to Babuyan Islands,” ayon pa sa PAGASA.
Si Nando at ang Habagat ang magdadala ng mga pag-ulan sa araw ng Linggo.
Lalabas ng Philippine area of responsibility si Nando sa Martes.
- Latest
















