^

Bansa

Nature Reserve na giit ng China, ‘hypocrisy’ – Goitia

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — “Paano magiging tagapangalaga ang mismong sumira ng bahura? Hypocrisy ito. Hindi lang kalikasan ang pinapatay nila, kundi pati ang kabuhayan at pagkain ng pamilyang Pilipino.”

Reaksyon ito ni Dr. Jose Antonio Goitia sa planong nature reserve ng Beijing, sa pagsasabing “Walang karapatang magbantay sa dagat ang mga sumira nito”

Lalong lumalala ang kalagayan mga ma­ngingisda sa lantad na pagkukunwari ng China sa West Philippine Sea (WPS) gayung paraan lang ang pagtatatag ng nature reserve upang pagtakpan ang iligal na pag-okupa at pagsira sa marine ecosystem.

Nanawagan si Goitia ng pagkakaisa at pagkilos upang ipagtanggol ang karapatan ng mga mangingisdang Pilipino na napilitang maghanap ng trabaho dahil hindi na sapat ang yamang dagat na nakukuha nila para sa gasolina, lambat, at pagkain.

Gayundin ang pagtuligsa ni National Security Adviser Sec. Eduardo Año na mula 2016, may ebidensiya ng malakihang paghuli ng endangered species at pagkasira ng mga bahura na gawa ng mga mangingisdang Tsino, mga aktibidad na binanggit pa mismo ng Arbitral Tribunal

Nitong Martes, Setyembre 16, muling nag-init ang tensyon matapos magbanggaan ang barko ng Pilipinas at China sa Bajo de Masinloc.

Habang tinawag ng Beijing na “mapang-udyok” ang hakbang ng Maynila, mariin namang iginiit ng AFP at PCG na ito’y iligal na panghaharas sa loob ng ating Exclusive Economic Zone. Pati ang isang makataong misyon na magdadala ng gasolina at pagkain para sa mga mangingisda ay hinarang ng siyam na barkong Tsino.

HYPOCRISY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with