^

Bansa

3 araw na transport strike laban sa pagwaldas ng fuel excise tax

Philstar.com
3 araw na transport strike laban sa pagwaldas ng fuel excise tax
Traditional jeepneys ply their route Taft Avenue in Manila on Friday, Nov. 29, 2024.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Habang maraming mamamayan ang umaalsa sa isyu ng korapsyon, nag-anunsiyo ang transport groups na Piston at Manibela ng mga strike at protesta ngayong linggo laban sa umano’y maling paggamit ng pondo mula sa fuel excise taxes.

Ayon sa Piston, gumagastos ang isang ordinaryong jeepney driver ng halos P13,000 sa buwis ng gasolina kada buwan. Tumataas naman ito hanggang P23,400 kada buwan para sa mga modernized o e-jeepney dahil sa VAT at excise.

“Ang perang dapat sana ay pondong rehabilitasyon ng mga jeep at pagpapaayos ng transport system ay napupunta sa luxury cars,” ayon sa Piston.

Tinukoy ng Manibela na “ang excise tax mula sa diesel ay napupunta sa luho ng ilang ‘nepo children’, at iginiit nilang hindi makatarungan na ang mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan ang nagpapasan ng bigat.

Ito ang mga schedule ng mga gaganaping strike at kilos-protesta:

  • Itinakda ng Piston ang strike sa Setyembre 18 at rally sa Rizal Park sa Setyembre 21.
  • Magpoprotesta naman ang Manibela mula Setyembre 17–19.

Maabala ba ang mga komyuter?

Tiniyak ni Teofilo Guadiz III, tagapangulo ng land franchising agency na LTFRB, na handa naman daw ang ahensya. May plano silang ilagak ang mga government vehicles, military trucks, bus at mga modernong PUV para magbigay ng libreng sakay.

Sinabi ng tagapangulo ng Metro Manila Development Authority Romando Artes na gagawin nilang “minimal” ang abala at hinimok ang nagpo-protesta na huwag magsarang ruta o humarang sa mga pasahero.

Ayon kay Artes, hindi sasama ang ilang transport groups sa welga, kaya inaasahan pa rin na marami pang ruta ang itatakbo ng mga pampublikong sasakyan. — Base sa ulat nina Christine Boton at Ghio Ong

CORRUPTION SCANDAL

EXCISE TAX

JEEPNEY STRIKE

VALUE ADDED TAX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with