P1.3 trilyong pondo sa flood control, kinurakot lang – solon

MANILA, Philippines — Nakurakot lang umano ang P1.3 trilyon na inilaang pondo ng gobyerno sa flood control projects simula 2021.
Inihayag ito ni Bagong Henerasyon party-list Rep. Robert Nazal kaugnay ng malalang korapsyon na kinasasangkutan ng mga tiwaling opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), mga kontraktor at ilang mga pulitiko na umano’y nagsabwatan.
Ayon kay Nazal, dapat lang na malaman kung saan napunta ang bawat sentimo ng P1.3 trilyong pondo at ibalik ang pera ng bayan at panagutan ang mga sablay na proyekto.
“It is unacceptable that trillions have been spent, yet our people are still drowning in floods. Agencies must explain why these projects failed and who allowed these mistakes to continue year after year,” sabi ni Nazal.
“Since 2021, a staggering P1.3 trillion pesos has been poured into flood control projects – money that was taken from the sweat and taxes of the Filipino people,” pahayag naman ni Bernadette Herrera, Spokesperson ng BH.
Sinabi ni Herrera na sa mga nakalipas na taon ay kaliwa’t kanan ang mga proyekto ng DPWH pero hindi nasolusyunan ang problema sa baha.
Ipinatitiyak din ni Herrera sa Kongreso na hindi lamang ito isyu ng “power of the purse” kundi kailangang tiyakin na mananagot sa batas ang lahat ng mga sangkot sa pangungurakot ng pondo.
“Who allowed this? Who benefited? Who pocketed the people’s hope and turned it into rubble and mud?” dagdag pa nito.
- Latest























