PANUORIN: Sen. Padilla, itinangging nagtaas ng gitnang daliri sa Senate sessio
MANILA, Philippines — Ipinaliwanag ni Sen. Robin Padilla na hintuturo, at hindi gitnang daliri, ang kanyang itinaas sa viral na larawan.
Itinanggi niya na ginawa ito sa sesyon kung saan napatalsik si Sen. Chiz Escudero at pinalitan ni Senate President Tito Sotto.
Giit ni Padilla, ang pagtaas ng hintuturo ay simbolo ng pananampalataya sa Islam at hindi dapat gawing bastos.
Humingi ng paumanhin ang Rappler at binawi ang ulat matapos akusahin siyang nagtaas ng gitnang daliri.
Nagdulot ng haka-haka ang larawan dahil kabilang si Padilla sa mga senador na hindi bumoto kay Sotto.— Ayon sa report ni Jean Manggaluz
- Latest




















