South Korea inatras P28.7 bilyong infrastructure loan sa Pinas
MANILA, Philippines — Umatras ang South Korea sa nakatakda sanang pagpapautang sa Pilipinas ng 700-B Won o P28.7 bilyon para sa pagpapatayo ng mga imprastraktura matapos ang ulat ng malawakang korapsiyon sa mga flood control projects sa bansa.
Mismong si South Korean President Lee Jae-myung ang nagpahayag nang pagpapatigil sa pautang sa Pilipinas.
Pinasalamatan din ni Myung ang media ng Pilipinas dahil sa pagsiwalat nito ng katotohanan sa umano’y malawakang katiwalian sa mga proyektong pang-imprastraktura.
“There is significant meaning in preventing the unnecessary waste of 700 billion Korean won in taxpayer money and preemptively blocking risks that could lead to poor management and corruption,” saad sa English translation ng pahayag ni Myung.
Kaugnay nito, sinabi ni Sen. Win Gatchalian na nakakahiya sa panig ng Pilipinas dahil isa sa mga nagpapautang na bansa ay ang South Korea.
“Nakakahiya yan sa atin dahil isa sa mga nagbibigay sa atin ng mga loans pagpapagawa natin ng kalye, mga tren, ay Korea. But since sabi nila na ayaw na ring magpahiram or suspended muna magpahiram dahil sa corruption nakakahiya yan,” ani Gatchalian.
Maliwanag aniya na nakikita ng South Korea ang mga ulat ng korapsiyon sa bansa at nawawaldas lang sa katiwalian ang mga inuutang.
- Latest


















