Seaman jackpot sa P200,000 ScratchIt

MANILA, Philippines — Isang sisenta nuwebe anyos na seaman na si Rolando (hindi niya tunay na pangalan) na minsanan lang maglaro ng ScratchIt ay nanalo ng jackpot na P200,000 sa Go Bananas.
Nagpahayag ng malaking katuwaan si Rolando na residente ng Angono, Rizal makaraang mapagwagian niya ang P200,000 sa binili niyang ng tiket ng Go Bananas ScratchIt sa isang Lotto outlet sa SM Angono noong Agosto 7.
Bagaman hindi niya, idinetalye, binanggit niya sa isang maikling panayam na gagamitin niya ang napalanunan sa pagbabayad ng matrikula.
Pero, “totoong nanalo ako,” wika niya sabay payo sa kanyang mga kababayan na “bumili din kayo, baka kayo na ang susunod na manalo.”

Ang ScratchIt ay isang scratch-card lottery game ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PSCO) kung saan puwedeng manalo ng cash prize sa isang kisapmata. Bumili lang ng tiket, kaskasin ang play area, at kapag tumugma ang mga simbolo o numero—panalo agad!
Ilan sa mga sikat na bersyon ng ScratchIt ang Go bananas, Red Hot 7s, Ruby Riches, Go for Gold 20, Go for Gold 50 and at Instant Keno. Ang premyo ay maaaring umabot ng P500,000 o P1,000,000 depende sa ticket.
Ang bahagi ng kita mula sa ScratchIt ay napupunta sa mga proyektong pangkawanggawa ng PCSO tulad ng medical assistance, edukasyon, at tulong sa mga mahihirap. Layunin nitong tumulong habang nagbibigay-aliw at pagkakataong manalo ang mamamayan.
Mabibili ang mga ScratchIt ticket sa mga awtorisadong outlet ng PCSO sa buong bansa, gaya ng mga mall, supermarket, lotto outlets at ScratchIt stalls. Mula P20 hanggang P50 ang halaga ng bawat tiket.
Editor’s Note: Ang press release na ito para sa Scratchit ay hindi saklaw ng Editorial Guidelines ng Philstar.com.
- Latest


















