^

Bansa

Malakanyang pinawi ­pangamba ng publiko sa ‘sleeper agent’

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinawi ng Malakanyang ang pangamba ng publiko sa ulat na isang “sleeper agent” na isang negosyanteng Chinese ang nagpanggap na Pilipino at naging bahagi ng Philippine Coast Guard ­Auxilliary (PCGA).

Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na nakausap na niya ang kinatawan ng PCG at patuloy nilang iniimbestigahan ang nasabing insidente habang tinanggal na rin sa PCGA ang nasabing Chinese businessman.

Sa press briefing sa Malakanyang, iginiit ni Castro na hindi dapat mag-alala ang taumbayan dahil ang PCGA ay isang civil organization, kaya kahit sino ang pumasok dito kahit mga dayuhan dahil tungkol ito sa pagbibigay ng relief at pagtulong sa PCG ang kanilang ginagawa.

Wala aniyang access ang mga ito sa anumang mga operasyon at hindi sila sumasampa sa barko at sa iba pang mga operasyon ng PCG kaya walang malalaman ang mga miyembro ng PCGA.

Nauna nang sinabi ni Sen. Panfilo Lacson, na may mga impormasyon na maraming sleeper agents dito sa Pilipinas.

Matatandaan na naaresto ng mga otoridad ang isang Chinese businessman na nameke umano ng mga dokumento para maipakita na isa siyang Filipino at miyembro ng PCGA.

PCGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with