PUJ drivers, sunod na makakatikim ng P20/kilo ng bigas – DA
MANILA, Philippines — Ikinokonsidera ng Department of Agricultue (DA) na isunod ng ahensiya na maging benepisyaryo ng P20 per kilo rice program ang mga driver ng pampasaherong jeep sa bansa.
Ito ay sinabi ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel nang ilunsad ang murang bigas sa mga mangingisda ng Navotas Fish Port, kahapon.
Nagsimula nang magbenta ang DA ng P20 kada kilong bigas sa mga mangingisda at trabahador ng Navotas Fish Port para makatulong na mapababa ang gastusin ng mga ito sa pagkain.
Ayon kay Tiu Laurel, malaking pakinabang ang murang bigas sa mga driver ng pampasaherong jeep upang maibsan ang epekto sa kanilang hanapbuhay nang patuloy na pagtaas ng halaga ng petrolyo.
Takda aniya ang rolled out ng murang bigas sa mga transport association simula September 16 sa mga lugar na kikilalanin ng Department of Transportation.
Ayon pa sa kalihim, may sapat na imbak na bigas ang bansa para punan ang tumataas na bilang ng mga benepisyaryo ng P20 kada kilo ng bigas.
- Latest


















