PANUORIN:Torre sinabing wag siyang kaawaan
MANILA, Philippines — Nanawagan si Gen. Nicolas Torre III na huwag siyang kaawaan, ilang araw matapos siyang sibakin bilang hepe ng Philippine National Police.
Sa inilabas niyang video message sa kanyang social media nitong Biyernes, sinabi ni Torre na mas dapat maawa ang publiko sa mga biktima ng sunod-sunod na pagbaha habang siya ay naghihintay ng bagong posisyon sa gobyerno.
Tinanggal ni President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. noong Augusto 27 matapos ang girian sa National Police Commission (Napolcom) tungkol sa pagtatalaga ng ilang opisyal, ngunit kinumpirma ng Malacañang na inalok siya ng ibang posisyon sa gobyerno.
Pinalitan si Torre ni Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., dating Deputy Chief for Administration, na agad nanungkulan bilang acting PNP chief.
- Latest


















