401 buto ng tao narekober sa Taal Lake
MANILA, Philippines — Nasa kabuuang 401 bahagi ng buto o kalansay ng tao ang narekober ng mga awtoridad kaugnay ng kaso ng mga ‘missing sabungeros’ na nasisid sa Taal Lake sa Batangas.
Ito ang nabatid kahapon sa pagharap ng mga opisyal ng Department of Justice at PNP Forensics Group at iba pang ahensya sa pagdinig ng House Committee on Human Rights.
Base sa data ng PNP Forensics Group, sinabi ni DOJ Assistant Secretary Eliseo Cruz, mula Hulyo 10 hanggang sa kasalukuyan ay nasa 401 na ang buto ng tao na narekober ng mga divers ng Philippine Coast Guard sa 17 lokasyon na kanilang sinisid sa Taal Lake.
Sa pahayag naman ni PNP Forensic Group Director P/Brig. Gen. Danilo Bacas, sa kasalukuyan ay 163 buto o kalansay ang isinailalim nila sa cross-matching mula sa DNA samples ng 29 kaanak ng mga nawawalang sabungero. Ang iba pa ay hindi na masusuri dahil nasira na ito sa mahabang panahong pagkakababad sa Taal Lake.
- Latest
















