Extradition request kay Quiboloy pinamamadali

MANILA, Philippines — Pinamamadali ni House Deputy Minority leader at Akbayan partylist Rep. Perci Cendaña sa pamahalaan ang pagproseso sa extradition request ng Amerika kay Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon kay Cendaña, kailangang simulan na agad ang extradition ni Quiboloy kabilang na ang kahilingan sa ating lokal na korte para sa agarang pagresolba sa nakabinbing kaso laban sa Pastor.
“If such an extradition exists, I strongly urge our government, especially the Department of Justice (DOJ), to immediately begin the process for the extradition of Quiboloy including requesting our local courts to immediately resolve the pending charges against him,” sabi pa ng kongresista.
Kailangan aniyang masagot ng pastor ang mga kasong isinampa sa kanya tulad ng human trafficking, sexual exploitation, at pag-abuso sa mga menor-de-edad na hindi lang aniya isang maling gawi kundi ang paglalantad sa kapangyarihan at impluwensya ni Quiboloy na nagpapatuloy hanggang ngayon.
Giit pa ni Cendaña, kahit na makulong si Quiboloy ay magpapatuloy pa rin ang impluwensya nito.
Ang labis din aniyang impluwensya ni Quiboloy at koneksyon sa loob ng ating pamahalaan ay humahadlang sa mga imbestigasyon at naglalagay sa panganib sa mga saksi. Sa loob din aniya ng mahabang panahon ay itinago nito ang mga krimen sa pamamagitan ng pananakot at pagpapatahimik sa mga biktima.
- Latest
















