^

Bansa

Mga sangkot sa ghost flood projects pinakakasuhan ng economic sabotage  

Gemma Garcia, Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kakasuhan ni ­Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng economic sabotage ang mga contractors at mga opisyal na sangkot sa maanomal­yang flood control projects.

Ito ang sinabi ng ­Pangulo matapos ang inspeksyon sa P55 ­milyong halaga ng ­riverwall projects sa Brgy. Piel Baliuag, Bulacan at madiskubreng “ghost” ang nasabing proyekto 

Ayon kay Marcos, nadiskubre ang nasabing ghost project matapos na may lumiham at magsumbong sa inilunsad nilang “Sumbong sa ­Pangulo” website kung saan kabilang ito sa mahigit na 2,000 reklamo na kanilang natanggap.

“Falsification na ito dahil nagreport sila na completed, kitang kita naman na hindi completed. So immediately that’s falsification. So that’s already a big violation. For the big one, talagang ang thinking is very hard. Kailangannatin silang i-economic sabotage,” ani Pangulong Marcos.

Tinukoy ng Pangulo na wala kahit isang bakal at kahit isang sako ng semento ang ginamit sa proyektong hindi tala nagawa, ngunit binayaran ng pamahalaan.

Matatandaan na sa fraud audit na isinagawa ng COA sa flood control projects, ang Bulacan ang nakakuha ng pinakamalaking pondo ng gobyerno.

Hinikayat naman ni Pangulong Marcos ang publiko na ipagpatuloy ang pagsusumbong sa mga maanomalyang flood control projects sa pamamagitan ng Sumbong sa Pangulo website.

 

ECONOMIC SABOTAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with