Mangingisda makabibili na ng P20/kilong bigas - DA
MANILA, Philippines — Simula sa August 29, kasama na ang mga mangingisda sa listahan ng mga benepisyaryo ng P20 kada kilo ng bigas.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang mga mangingisda ay makabibili na sa “Benteng Bigas, Meron Na!’’ sa mga fish ports.
Ayon kay Laurel, ang naturang inisyatibo ay malaking hamon sa DA sa mga nakaraang taon dahil kailangan ang buong suporta ng pamahalaan para mapagsilbihan ang 400,000 pamilya.
“We have the stocks. We have the budget. What we need now is urgency and unity,” pahayag ni Laurel.
Matatandaan na tanging ang mga senior citizens, persons with disabilities, solo parents at indigents ang maaring makabili sa P20 kada kilo ng bigas.
Pinalawig pa ito sa mga minimum wage earners, benepisyaryo ng Walang Gutom program ng DSWD, at farmers at farm workers na nakalista sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture.
- Latest



















