Pangulong Marcos pinamamadali 2026 National Budget

MANILA, Philippines — Umapela si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso na agarang aprubahan ang panukalang National budget para sa taong 2026 na mahalagang hakbang para sa pagtataguyod ng mas maunlad na kinabukasan para sa bansa.
Sa mensahe ng Pangulo, hinikayat niya ang mga mambabatas na mabilis na ipasa ang panukala para maisaktuparan ang mga layunin ng administrasyong “Bagong Pilipinas”.
“I urge the honorable members of Congress to swiftly enact this budget. Let us work together to realize the full potential of our nation, nurture future-ready generations and fulfill our dream of a Bagong Pilpinas,” sabi pa ni Marcos sa kanyang budget message.
Ang panukalang 2026 National budget ay naglalaman ng mga prayoridad ng pamahalaan sa paggugol ng pondo, kabilang na ang mga programa sa imprastraktura, edukasyon, kalusugan, at digitalisasyon na mga susi sa pag-abot ng inklusibong pag-unlad at pangmatagalang kaunlaran.
Nauna nang isinumite ng Department of Budget and Management (DBM) ang P6.793 trillion National Expenditure Program (NEP) sa Kamara at nakatakda namang magsagawa ng deliberasyon sa mga susunod na araw.
- Latest



















