^

Bansa

Divorce Bill muling isinulong sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Divorce Bill muling isinulong sa Senado
A certificate of divorce
Pixabay / Tumisu

MANILA, Philippines — Muling inihain ni Sen. Risa Hontiveros ang panukalang batas na magkaroon na ng diborsyo sa bansa.

Sa Senate Bill 394 na tatawaging “Dissolution of Marriage Act” kapag naging batas, sinabi ni Hontiveros na kapag nasira na ang kasal at hindi na talaga puwedeng magkasundo ang mag-asawa, katungkulan ng estado na magbigay ng solusyon at iligtas ang mga bata mula sa sakit, stress at paghihirap na makita ang regular at walang katapusang pagtatalo ng kanilang mga magulang.

Ayon pa kay Hontiveros, bahagi na ng realidad ang maraming “unhappy, failed, o abusive marriages” sa lahat ng uri ng antas ng lipunan ng mga Filipino.

Base rin aniya sa data, palaging ang mga kababaihan ang nakakaranas ng pang-aabuso at karahasan.

“The same study shows that the biggest perpetrator of physical and sexual violence against women is the husband,” nakasaad sa panukalang batas.

Sa datos ng Philippine National Police (PNP) tumaas ang insidente ng “Violence Against Women” (VAW) mula 2004 hanggang 2012.

Sinabi ni Hontiveros na nais ng mga kababaihan na wakasan na ang pang-aabuso sa kanila at iginigiit ang kanilang karapatan na magkaroon ng “absolute divorce”.

Kapag naging batas ang absolute divorce, ang termination ng kasal ay dadaan sa isang legal proceeding kung saan maaring maghain ng petisyon ang isa o ang both parties at kapag naaprubahan ay babalik ang mag-asawa sa kanilang “single status”.

Titiyakin din na ang court proceedings para sa pagbibigay ng absolute divorce ay mura, mabilis at abot kaya lalo na sa mga mahihirap na litigants.

DIBORSYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with