^

Bansa

P3 bilyon para sa disaster hub sa ­Mindanao, sayang lang

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan ang ilang disaster management official sa Mindanao na unahin ang pagtatayo ng mga evacuation centers sa rehiyon sa halip na pondohan ang pagbuo ng Mindanao Disaster Resilience and Resource Center.

Sa impormasyon, aabot sa P3 bilyon ang pondong gugugulin sa pagtatayo ng Mindanao Disaster Resilience and Resource Center na pangangasiwaan ng Mindana Development Authority.

Ipinaliwanag ng mga disaster management official na ginagawa na ng provincial at municipal disaster response team ang trabahong iaatang sa disaster hub kaya’t sayang lamang ang pondong gagamitin dito.

Mas makabuluhan anilang ilipat na lamang ang pondo sa Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) at mga local government unit.

Inirekomenda rin ng provincial disaster risk reduction officer sa Davao del Norte na magtayo na lamang ng mga standard evacuation center na nagkakahalaga lamang ng P50 milyon bawat isa sa halip na gamitin ang mga eskuwelahan at mga gym na inaabot din ng baha.

Kinatigan ito ng lalawigan ng Surigao del Sur kasabay ng pagsasabing mas dapat palakasin ang local government framework, alinsunod sa mandato ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010.

Naniniwala sila na ang epektibong paggamit ng pondo ay ang pagtatayo ng standard evacuation centers, pagbili ng mga kaukulang rescue equipment, at pagsasanay sa mga community-level volunteers.

DRRMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with