^

Bansa

Atong Ang, tanggap mga kaso

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Atong Ang, tanggap mga kaso
New witness in sabungeros case ready to testify Relatives hold photos of some missing cockfighting aficionados (sabungeros) from Manila and Laguna, as they sought help from Malacañang, Jan. 31.
Michael Varcas / File

‘Testimonya ni Patidongan imbento’

MANILA, Philippines — Bagamat tanggap ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang mga kasong isinampa  laban sa kanya, may babala rin ang kampo nito hinggil sa kuwestiyonableng testimonya ng whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan alyas Totoy.

Ayon sa legal counsel ni Ang na si Atty. Gabriel Villareal, bukas ang kanilang kliyente sa mga kasong isinampa at pagkakataon ito upang maipagtanggol ang kanyang sarili laban sa mga paratang at espekula­s­yon sa tamang legal na proseso.

Subalit ayon kay Villareal, kaduda-duda ang testimonya ni Patido­ngan na puno ng butas, makasarili, at walang sapat na batayan.

Kuwestiyonable rin anya ang umano’y “pagkamulat” ni Patidongan at ang panahon ng kanyang paglabas.

Paliwanag ni Villareal, may 15 taon nang bahagi ng organisasyon ni Ang si Patidongan at unti-unting nakaakyat sa mga sensitibong posisyon.

“Isa siyang bihasang manipulator na kayang alisin ang sinumang sa tingin niya’y banta sa kanyang impluwensya at paglapit kay Ginoong Ang.” ani Villareal.

Ginamit umano ni Patidongan ang mga koneksyon at resources ng organisasyon ng hindi alam ng pinuno, upang palawakin naman ang kanyang sariling iligal na network, kabilang na ang sugal, kidnapping, pa­ngingikil, at pananakot.

Aniya, nang siya’y masangkot sa pagkawala ng isang kakompetensya sa sabong sa Maynila noong nakaraang taon, pilit ngayong ibinabaling ni Patidongan ang sisi sa kanyang mga dating superior upang takasan ang pananagutan.

“Ang kanyang kwento ay imbento. Dapat siyang mabunyag, at malapit na itong mangyari.”

CHARLIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with