Pangulong Marcos biyaheng India ngayon
MANILA, Philippines — Nakatakdang magtungo sa India si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw, Agosto 4, para sa 5-day state visit.
Sinabi ni Assistant Secretary Evangeline Ong Jimenez-Ducrocq ng Office of Asian and Pacific Affairs na anim na kasunduan ang inaasahang mabubuo sa pagbisita.
Kabilang aniya sa mga kasunduan ang kooperasyon sa batas, culture, science and technology at marami pang iba.
Layunin din ng pagbisita ang higit pang palakasin sa partnership ng Pilipinas at India at kapwa maging aktibo ang dalawang bansa sa mga oportunidad para sa mas malakas na security, economic, science and technology, at people-to-people cooperation.
Kabilang sa mga highlight ng pagbisita ng Pangulo ang mga paghinto sa New Delhi at Bangalore.
Magiging bahagi rin ng aktibidad ng Pangulo ang pakikipag-usap sa Filipino community sa New Delhi at meeting kay Indian President Droupadi Mutmu at iba pang matataas na opisyal.
- Latest



















