^

Bansa

Edad 10 pasok sa criminal liability, hinirit

Joy Cantos, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Edad 10 pasok sa criminal liability, hinirit
Sen. Robinhood Padilla.
Senate PRIB / Voltaire F. Domingo

MANILA, Philippines — Nais ni Senador Ro­binhood Padilla na ibaba sa 10 taong gulang ang edad ng mga puwedeng parusahan sa kasong kriminal.

Sa panukala ni Padilla, aamyendahan ang Republic Act (RA) 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006, upang matanggal ang criminal liability exemptions sa mga nagkasala na edad 10 hanggang 17 na gumawa ng mga karumal-dumal na krimen.

Sa umiiral na batas, ang pinakamababang edad para sa kriminal na pananagutan ay 15.

Nakasaad sa panukala na ang isang nagkasala na higit sa 10 taong gulang ngunit wala pang 18-anyos na nakagawa ng isang karumal-dumal na krimen ay hindi dapat maging exempted sa criminal liability.

Kabilang sa mga karumal-dumal na krimen ang parricide, murder, infanticide, kidnapping, at serious illegal detention kung saan pinatay o ginahasa ang biktima, robbery with homicide o rape, destructive arson,rape, carnapping kung saan pinatay o ginahasa ang driver o occupant.

Sa ilalim ng panukala, kung ang nagkasala ng isang karumal-dumal na krimen ay 15-anyos pababa, hindi na ito dapat isasailalim sa isang community-based intervention program na pinangangasiwaan ng local social welfare and development officer.

Pagdating sa automatic suspension of sentence, ilalapat lamang ito kung ang bata ay wala pang 18 taong gulang at kung siya ay nakagawa ng “non-heinous” offense.

Ganito rin ang pag-uusapan pagdating sa dismissal ng kaso ng mga batang 15-anyos pababa, na malalapat lamang kung ito ay isang “hindi karumal-dumal” na pagkakasala.

Ikinatuwiran ni Padilla na nananatiling “unresponsive” ang batas sa nga kabataan na gumagawa ng karumal-dumal na krimen.

Batay sa pag-aaral ng Child Rights International Network, ang average minimum age ng criminal responsibi­lity sa Asya at Africa ay 11-anyos habang sa US at Europe ay 13.

PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with