30 pa idinawit ni Totoy sa ‘sabungeros’

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na posibleng may 30 iba pang indibidwal na sangkot sa kaso ng “missing sabungeros”.
Ito’y matapos magtungo kahapon sa Department of Justice (DOJ) si Patidongan, kasama ang kaniyang abogado, na nagbunyag pa kay Remulla ng ilang tao pang maaring sangkot sa kaso ng nawawalang sabungero bagamat hindi ito idinetalye sa media.
Una nang iniugnay ni Patidongan ang 15 pulis, negosyanteng si Charlie “Atong” Ang, at aktres na si Gretchen Barretto.
Hindi na nagpaunlak ng panayam sa mga mamamahayag si Patidongan.
“Syempre iyong demeanor ng witness dapat talaga isama namin but so far so good, very reliable,” ani Remulla.
“We are still getting information and some clarifications kasi marami talaga siyang data na alam, we have to know what he knows,” dagdag pa ni Remulla.
- Latest





















