^

Bansa

Dalian trains na 10 taon nakaparada, patatakbuhin na

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Dalian trains na 10 taon nakaparada, patatakbuhin na
Ang Dalian train ay hindi nagamit simula noong 2014 matapos bilhin ng administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino dahil hindi compatible sa MRT train ­system.
Department of Transportation, Release

MANILA, Philippines — Matapos ang mahigit sa 10 taon na nakatambak lang, magagamit na ang mga Dalian train ng MRT.

Ang Dalian train ay hindi nagamit simula noong 2014 matapos bilhin ng administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino dahil hindi compatible sa MRT train ­system.

“Nakabili tayo ng 48 karwahe...hindi ito nagamit kaya ang ginawa natin binalikan itong mga ito, at tiniyak natin kung ano man yung ­kail­angang gawin para magamit itong Dalian train na ito ay gawin na natin,” pahayag ni ­Pangulong Ferdinand Marcos Jr matapos ianunsyo ang 50% discount sa pamasahe sa LRT at MRT para sa senior citizens at persons with disability.

Sa pahayag naman ng Department of Transportation (DOTr), sinabi nito na ang manufacturer ng trains na Chinese firm CCRC Dalian Co., ay binago ang trains para masolusyunan ang isyu ng incompatibility at walang gagastusin dito ang gobyerno ng Pilipinas.

Layon naman ng DOTr na gamitin na ang MRT-3 Dalian trains ngayong 2025 habang pinamamadali na rin ang contractor ang pag-review sa mga hindi pa nagagamit na train.

Tiniyak naman ng DOTr na sumailalim sa ligtas na pagsusuri ang mga train sa pamamagitan ng Japan’s Sumitomo Corporation na siyang kasalukuyang maintenance provider ng MRT bago sila i-deploy.

Ang 48 Dalian trains ay maaaring magkarga ng 1,200 passengers at sa sandaling maging fully operational ay mababawasan ang train intervals mula 4 minutes hanggang 2.5 minutes.

DALIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with