^

Bansa

Demand sa isda bumaba sa Taal Lake

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Sa pagsisid sa missing sabungeros

MANILA, Philippines — Nagpababa sa kabuhayan ng mga mangingisda ang pagbaba ng demand ng isda mula sa Taal Lake kung saan natuklasan ng mga awtoridad ngayong linggo ang mga buto na pinaniniwalaang sa missing sabungeros, ayon sa lokal na pamahalaan ng Laurel, Batangas.

Sinabi ni Laurel Mayor Lyndon Bruce, dalawang bangka na lang ang pumapalaot para manguha ng tilapia at bangus bawat araw sa ngayon, mula sa dating halos 10 bangka.

Ang kawalan umano ng order ay nagpababa sa 8 tonelada mula sa karaniwang 40 toneladang isda na nakukuha sa araw-araw.

“Hindi sila nakakapangisda dahil wala masyadong order na dinadala sa market sa Manila kasi ‘yung nanggagaling na isda dito ay doon dinadala sa fishport ng Malabon at fishport ng all over Metro Manila,” ani Bruce.

“Siguro ay dahil nakikita nga sa social media natin na nandito ‘yung [mga] pinag-uusapang sabungero,” dagdag ng alkalde.

Nabatid na halos 1,700 operator ng fishpen sa Laurel ang umaaray na sa epekto ng ginagawang paghahanap sa lawa ng mga nawawalang sabungero.

Ang turismo sa Laurel ay iniulat ding naapektuhan, na may mas kaunting mga turista na bumibisita sa bayan mula ng maibalita na ang mga labi ay itinapon sa nasabing lawa.

LAKE

TAAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with