^

Bansa

3 nasawing Pinoy sa Houthi attack, kinukumpirma – DMW  

Gemma Garcia, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
3 nasawing Pinoy sa Houthi attack, kinukumpirma – DMW     
Bulk carrier MV Eternity C as seen in a file photo on marinetraffic.com

MANILA, Philippines — Kinukumpirma pa ng Department of Migrant Workers (DMW) ang ulat na may tatlong Pinoy na nasawi sa barkong M/V Eternity C na intake at pinalubog ng Houthi rebels sa Yemen.

“Kino-confirm pa natin ito. It is just the information that we know from the UKMTO  (United Kingdom Maritime Trade Organization) though our defense attache,” ani DMW Secretary Hans Leo Cacdac sa press briefing sa Malacañang.

Ayon kay Cacdac, 22 ang crew ng MV Eternity C, 21 dito ay mga Pilipino at lima ang nakaligtas sa paglubog ng barko.

“With the rescue of 5 ay 16 sa ngayon ang inaantabayanan pa rin natin kung ano na ang kinaratnan. Mayroon pa ring search operation as far as we know at patuloy ang paghahanap sa kanila,” ani Cacdac.

Ang mga nakaligtas namang limang Pinoy ay dinala sa isang ligtas na lugar at tiniyak ang lahat ng kakailanganing tulong para sa mga ito.

Habang isinusulat ito, tatlo pang Pinoy ang iniulat na na-rescue.

Samantala, sinuspinde na ng DMW ang lisensiya ng manning agency at principal ng mga tripulanteng Pinoy ng MV Eternity C.

Sa ilalim ng DMW Department Order 1 na inisyu noong Marso 2024, ang mga shipowners at manning agencies ay mandated na i-report hinggil sa planong pagdaan ng kanilang barko sa Red Sea at Gulf of Aden at tiyaking ang kanilang Filipino crew members ay naimpormahan sa panganib na maaaring idulot nito.

Mayroon din umanong karapatan ang mga tri­pulante na tu­mangging maglayag sa mga ­naturang mapanganib na lugar.

 

HOUTHI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with