^

Bansa

Mas mahigpit na regulasyon sa online gaming, giit

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mas mahigpit na regulasyon sa online gaming, giit
Photo of an individual engaging in an online gambling site.
Canva photos

MANILA, Philippines — Nagkakaisa at nanawagan ang mga lisensyadong online gaming operator na mahigpit na pagtutol sa isinusulong na pagpapatupad ng total ban ng online gaming sa bansa.

Sa isang pahayag, nanindigan ang mga ito, kasama ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at mga mambabatas  sa pagsasabing hindi ang total ban sa online gambling ang solusyon sa problema, kundi ang paglikha ng mas mahigpit at matalinong regulasyon upang masiguro ang kaligtasan ng mga Pilipinong manlalaro at mapanatili ang pag-usbong ng ekonomiya ng bansa. 

Nagbabala rin sila na ang ganap na pagbabawal sa online gaming ay hindi magiging epektibo sa pagpigil sa mga Pilipino sa paglalaro bagkus ay lalo lamang nitong itutulak ang milyun-milyong Pilipino sa black market at higit pang mamamayagpag ang illegal operators. 

Binigyang-diin din nila na ang bawat pisong ginugugol sa l­isensyadong plataporma ay nakatutulong at sumusuporta sa mga pampublikong serbisyo, na pinakikinabangan ng publiko, kabilang na rito ang mga paaralan, ospital, at kalsada, at tumutulong na mapanatiling ligtas ang bawat pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng ­regulasyon. Gayunman, kung mapupunta anila ang pera ng mga manlalaro sa illegal sites ay mistulang ninakaw na ito mula sa komunidad, dahil didiretso na ito sa mga ilegal na operator na walang pakialam sa batas.

ONLINE GAMING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with