^

Bansa

Castro sa bashers: ‘Mga garapata’

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itinuturing ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na garapata ang kanyang mga bashers lalo na sa social media.

Sinabi ni Castro na hindi siya nagpapaapekto sa mga bumabanat sa kanya lalo na sa social media at sa halip ay iniisip na lamang na mga garapata ang mga ito. Kung pagtutuunan aniya ng pansin ang kanyang mga basher at mga obstructionist ay masisira lamang aniya ang kanyang pag-iisip, maging ang kanyang tungkulin sa bayan.

“Ang turing ko sa kanila, yung mga walang masabi kundi manira - mga garapata. Garapata lang sila,” ayon pa kay Castro.

Kung ang mga banat na lamang aniya ang laging iisipin ay hindi na siya makakapagsalita ng maayos lalo na sa kanyang trabaho.

Hindi rin siya sumasagot sa mga komento sa social media dahil hindi niya sigurado kung mga tao ba ang mga bumabanat sa kanya o mga bayaran.

Naniniwala si Castro na hindi naman bastos ang mga Pilipino at mayroon lamang mga grupo na puro paninira ang ginagawa lalo na aniya ang mga nagpapabayad para sirain ang isang tao.

BASHERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with