^

Bansa

Sec. Recto, Vilma Santos inendorso si Erwin Tulfo sa Batangas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Sec. Recto, Vilma Santos inendorso si Erwin Tulfo sa Batangas
Sinabi ni Santos-Recto, isa ring ­beteranang actress, iniindorso nilang mag-asawa ang kandidatura ni Tulfo para Senador, bilang pagkilala sa masigasig at tapat nitong serbisyo bilang dating Kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), lalo na sa Batangas at buong Region IV-A.
Photos by KJ Rosales / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Walong araw bago midterm elections sa Mayo 12, naselyuhan ni ACT-CIS Partylist at Alyansa senatorial candidate Erwin Tulfo ang pag-iindorso ni Finance Secretary Ralph Recto at maybahay nitong si dating Batangas Gov. Vilma Santos sa lalawigan ng Batangas.

Sinabi ni Santos-Recto, isa ring ­beteranang actress, iniindorso nilang mag-asawa ang kandidatura ni Tulfo para Senador, bilang pagkilala sa masigasig at tapat nitong serbisyo bilang dating Kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), lalo na sa Batangas at buong Region IV-A.

Ibinahagi nito na noong siya’y kinatawan ng Ika-anim na Distrito ng Batangas, naging mahalaga ang papel ni Tulfo sa pagpapalapit ng serbisyo ng DSWD sa mga Batangueño at karatig-lalawigan, sa pamamagitan ng pagtatayo ng DSWD Field Office IV-A sa Lipa City.

Matatandaang noong 2022, nagpasalamat si Recto kay Tulfo di lang sa pangunguna sa pagtatayo ng naturang Field Office ng Rehiyon, kundi lalo na sa mahusay na pamumuno sa DSWD.

Samantala, sa gina­nap na Alyansa para sa Bagong Pilipinas sortie sa Batangas City nitong Sabado, buong-lakas na inindorso ng nagbabalik sa pagka-Gobernador na si Vilma Santos-Recto ang buong senatorial slate ng administrasyon.

Nagpasalamat naman si Tulfo sa tiwala ng mga lider ng Batangas lalo na’t mayroon ang probinsya na 1.95 million botante para sa darating na Midterm Elections.

ACT CIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with